Guhit24K,Tatak Filipino Favorites

1/13/17

Sulat 24K: Astig Grande sa wattpad

Ang kabanatang ito ay POV ni Tatiana Galvez,ang Editor ng Corner Views, tungkol sa war nila ng bagong lead vocalist ng Astig Grande na si Aquarius Valdez AKA as Rude Boy. Switching roles ang drama ng dalawa. Ano kaya ang gagawin ni Aquarius bilang blogger ng Corner Views? Makuha kaya ng prude na si Tatiana na makipag-jam sa bandang Astig Grande? Magkakasundo pa kaya ang dalawa? Martes na naman. Nag-iingay na naman sa music room ang bandang Astig Grande.Oo, sikat sila sa school. Sila ang pambato ng Corner High para sa Inter-School Battle of the Bands. Isa lang ang aking hiling, sana lumipat na ng school itong bagong lead vocalist na si Aquarius Valdez AKA Mr. AquaRude. Bakit kasi naging kaklase ko pa siya?Nasisira ang bawat araw ng buong linggo ko dahil kay Aquarius. Kung may magtatanong kung guwapo si Aqua? Di naman masyado,slight lang. Sa ibang nakakakita, nasa kanya na raw ang lahat. Sabi ng mga fans niya may hawig daw siya kay Peter Parker o The Amazing Spiderman. Sa boses di raw lumalayo kay Cody Simpson. Kung sa dance floor, parang makikita sa kanya ang moves ni Enrique Gil at higit sa lahat may brains din pagkat nakuha niyang maging head ng debating team sa dati nitong school. "Tatiana Galvez,"palaging saway ni Montana. Kulang na lang, pati middle name ko'y idadag pa nitong BFF ko. "Ayaw mo lang kay Aqua dahil lagi niyang sinasabi sa 'yo na mas manang ka pa kay Maria Clara." Heto na naman kami. Tuwing naiinis ako kay AquaRude, iyon at iyon lang ang palaging sinasabi ng kaibigan kong si Montana Gala . E, sa totoo namang di nababagay ang attitude nitong si Mr. Rude sa section naming IV-Humility. Bakit pa kasi siya nagtransfer dito sa Corner High (CH)? First time ko pa lang na-meet si Mr. Rude disaster na. Nakaukit pa nga sa aking isip ang araw na 'yon. First day of School Maaga akong nagpunta sa school kasama si Montana. Siyempre wala pa kaming seat plan kaya ang dalawang gitnang arm chairs sa front row ang pinili naming pwesto . " Tatiana, pinapatawag ka raw sa Faculty Room." sabi ni Mang Vic na janitor ng school nang dumaan siya sa aming room. Kilalang-kilala na kami ni Montana dahil noong nakaraang taon madalas niya kaming nadadatnan naglilinis sa room noong nasa III-Peace pa kami. " Sige po, susunod na ako," sagot ko sabay baling sa best friend kong abala sa pagsusuklay. Di nito alam kung papabayaan na lang nakalugay ang buhok nito o maghe-headband. "Samahan mo ako sa faculty room." "Masusunod mahal na reyna." biro ni Montana at isinuot na ang headband nito bago sumunod sa akin. Sa Faculty Room.. "Kayo ang magiging in charge sa flag ceremony mamaya." Iyon pala ang dahilan kung kaya kami pinatawag ni Gng. Mira Campo, ang Faculty President ng Corner High. Kasunod niyon ang pagtunog ng school bell. Bilang isa sa Seniors ngayong taong ito, nanguna ako sa pagbigkas ng Panatang Makabayan. Naunang bumalik sa room si Montana dahil sinamahan ko pa si Gng. Campo sa Faculty room. Kinuha ko ang mga photocopies ng aming class schedule. Si Gng. Campo pala ang aming class adviser dahil nag-retire na 'yong nakaraang IV-Humility Adviser. Pagpasok ko sa bagong room namin lahat ng mga nakaupo sa front at second rows ay nakapa-ikot sa upuan namin ni Montana. Ano kaya ang pinagkakaguluhan nila? Imposible namang may kakaibang magic trick si Montana na kailangang makita ng lahat. Humahagikgik ang mga girls, samantalang mukhang intimidated ang mga boys. Isa pang kapansin-pansin ay wala ni anino ni Montana roon. Saan kaya ang babaing 'yon? Ang pinakamalaking tanong, bakit may kumuha ng pwesto namin? " Excuse me," sabi ko sa dalawang nakaharang sa aking upuan, pero parang walang narinig. Nahipnotismo yata sa lalaking nakaupo sa arm chair ko. Oo, may lalaki sa upuan ko. Hindi ko pa nakuhang makita ang mukha ng mystery guy kasi napunta ang atensyon ko sa bag kong nakakalat sa sahig.Kaagad kong dinampot ang Pink bag ko. " Sino ang nagtapon ng bag ko?" Naiinis kong tanong. Nagsibalik lahat sa upuan ang mga kaklase ko. Natakot yata sa akin. Isa lang ang nagsalita, ang taong nasa upuan ko." Sa 'yo pala 'yan? Napakaburara mo naman." Tiningnan ko nang matalim ang lalaking pinagkakaguluhan kanina. Tinambalan niya ng titig na may pagkasuya. " Umupo po kasi kayo sa aking lugar kaya po nahulog ang bag ko." sabi ko sa mukha ni Spiderman. Kahit galit ako napansin kong kamukhang kamukha niya ang character na si Peter Parker. Same brownish hair and brows. Pati hugis ng mukha. Buhay si SpiderMan pero napaka-RUDE. "Nakamarka ba ang pangalan mo sa upuang ito?" Pinagtaasan ko na ng kilay ang tanong niya.Nakaka-inis na talaga ang istilo ng Rude boy na ito. "Wala nga, pero diyan ako nakaupo kanina." mahinahon kong sabi sabay talikod. Di ko na lang siya papatulan. Hahanap na lang ako ng ibang mauupuan sa second row or kahit sa last row. Basta 'yong malayo sa kanya. Kaagad kong ni-remind ang sarili ko na isa sa mga motto ko ang love your enemy. Madali lang sabihin pero mahirap talagang gawin. Lalo na sa kaso nitong lalaking ito na walang manners , guwapo lang. Dee's Note: Magdudulot ng kasiyahan sa akin kung inyo itong babasahin at iboto na rin.Paki sundan ang kuwento sa link... https://www.wattpad.com/story/10057412-astig-grande-filipino