Guhit24K,Tatak Filipino Favorites

5/21/12

Likha ni Dee Gold- Chapter 2 ng Paghihintay Ng Puso ,p.10

Ang nakaraan, heto sa ibaba ang mga links:  
Chapter 1
Chapter 2
             " Becky, nasaan ba 'yong susi ng tindahan?" tanong ni Lani sa kapatid na sinundan niyang lumabas ng kwarto nila. Ang bilis kasing magkikilos ni Becky parang laging may humahabol dito .
             " Di ko alam kung naibigay ko na kay inay. o baka naman naiwan natin sa loob ng tindahan." seryosong sagot nito.
            " Becky, wag kang magbiro ng ganyan.Ikaw ang huling humawak ng susi. Hindi pwedeng iniwan mo sa loob.Lagot ka kay inay kapag ganoon nga ang nangyari." mahabang sermon ni Lani kahit nasisiguro niyang nagbibiro lang 'to kahit nagpapakaseryoso.
            " Heto ate hawak ko" amin ni Becky."Tara buksan na natin ang tindahan."
             Nang nasa loob na sila ng tindahan kaagad na kinuha ni Lani ang envelope na naglalaman ng letrato ni "Keanu Reeves". Dali-daling pumasok ng bahay si Lani at kaagad nagpunta ng kwarto nila ni Becky upang itago ang larawan sa lamesitang maliit na nasa tabi ng double deck bed nila si Becky.

              Nang palitan 'yong king sized bed nilang magkapatid double deck bed ang pinabili ni Becky sa ama nilang si Mang Bert dahil gusto nito sa taas siya natutulog. Feeling kasi ni Becky kapag  nasa itaas ito parang sakay siya ng flying carpet parang si princess Jasmin ni Aladdin.

Abangan ang 11


Spoiler, kung di ka na makapaghintay sa pangalan ng lalaki sa larawan, tingnan ang

Inspiring Filipino Romantic Series:Spoiler for Paghihintay ng Puso


No comments:

Post a Comment