Likha ni Dee Gold- Chapter 2 ng Paghihintay Ng Pus0 p.8

Ang nakaraan, heto sa ibaba ang mga links:  
Chapter 1
Chapter 2
                 Nag-eenjoy sina Lani at Becky kapag kasama si Mike pagkat ka-age level nila ito.Sa pamilya nina Mike ito ang bunso sa tatlong magkakapatid. Ang panganay ay si Ate Ludy  na bagong kasal. Partner nga ni Lani si Mike nang magbridesmaid siya dito. Ang ikalawang kapatid nito'y lalaki rin, si Kuya Mel na madalang lang nilang makita pagkat nasa kolehiyo na ito.
                 " Dumadami ang mga babaing bumibili," pansin ni Lani
                 " Siyempre nandito si Kuya," ani ni Becky sabay baling sa pinsan." Isa ka kasing heart throb para bang si John Lloyd Cruz."

                  Napailing si Mike, " Mahirap ang habulin ng babae pero mas mahirap habulin ang basketball praktis namin kung di pa ako aalis."
                  Nagkasabay silang magkapatid tumingin sa orasang nakasabit sa dinding ng tindahan, 2:00 PM na may praktis nga pala si Mike, " Mauuna na ako."
                  " O, sige Mike," sabi ni Lani na sa sobrang pakikipagkwentuhan ay di rin namalayan ang oras.
" Ingat ka at salamat sa pagtulong sa amin."
                   " Salamat din sa bike mo,"habol naman ni Becky bago lumabas ang pinsan.
                   " Ok, remember just call my name and I'll be there." biro ni Mike. " Mauuna na ako.Next time isasama ko kayo sa praktis pag di kayo bantay tindahan.
                     Nasa harapan na si Mike ng tindahan inaayos ang bike nito habang minamasdan siya ng magkapatid.
                    " Oo, kami ang magiging cheerleaders mo," sambit ni Lani at saka sinabayan ni Becky ng," Give me a M, an I, a K and an E.Go,go,go MIKE "
                    " Ihanda ninyo ang mga pompoms ninyo baka next week may laro na kami."ani Mike sabay sakay sa bike at kumaway na sa kanilang dalawa.

Abangan ang p.9
                   
Dee's Short romantic fiction for young adults which is the first of my Read-A-Minute series.
Falling in Love with an American Idol Part One
Falling in Love with an American Idol Part Two

Comments

Popular Posts