Guhit24K,Tatak Filipino Favorites

5/17/12

Likha ni Dee Gold- Chapter 2 ng Paghihintay Ng Puso ,p.7

Kung gustong basahin ang mga Chapter 1, heto sa ibaba ang mga links:  
Chapter 1
          Ilang minuto matapos kumain ni Lani ay dumating naman ang pinsan nilang si Mike. Kinukuha nito ang bike na hiniram ni Becky..
          " Naku pasensya ka na Kuya." paghingi ng paumanhin ni Becky sa pinsan. " Ang dami kasing bumibili kanina kaya nakalimutan kong ibalik."
          " Ok,lang. Ikaw pa?" ngiti ni Mike. " Tutulungan ko na kayo ni Lani. Mamyang 2:00 palang ang basketball practice.
          " Hay, salamat dumating ka Mike para may tumulong sa amin".natutuwang sabi  ni Lani. Isang buwan lang ang tanda nito sa kanya kaya di na nagpapatawag ng kuya kay Lani.Magkaklse pa nga silang dalawa mula elementarya hanggang sa high school.
           Hindi na muna nila napag-usapan ni Becky ang larawan dahil kasama nila si Mike.Tuwing walang bumibili nagkukuwentuhan silang tatlo.
           " Wala kang girlfriend ngayon kuya?"tanong ni Becky.
           " Wala sa ngayon,nakakaligtas nga ako sa mga humahabol sa akin pagkat akala nila kami ni Lani."natatawang biro nito.Palibhasa'y mag-first cousin sila sa mother side kaya di pareho ang apelyido nila.Perez sina Lani at si Robles naman si Mike.
           "Iba talaga ang may pinsang kasing ganda ni Lani." dagdag pa ni Mike.
          Napangiti si Lani sapagkat nang sabihin ito ng pinsa'y napaismid si Becky. Alam na ni Lani ang sasabihin nito.
          " Si ate lamang ba ang maganda mong pinsan?"pagkatapos ay pinahid pa nito kunwa'y ang mga mata sa panyong hawak.
             "Maganda ka rin." sabi ni Mike."Di ko nga sure kung si Angel ang kamukha mo o si Glaiza de Castro"

             " Siyempre pareho." salo na ni Becky at tinapos na ang di makatotohanang drama nito.Tawanan na naman silang tatlo.

Abangan ang p.8

Read More:

Short romantic fiction for young adults which is the first of my Read-A-Minute series.
Falling in Love with an American Idol Part One
Falling in Love with an American Idol Part Two

Sweet Things Series:
Four Sweet Things a Wife can do for her Husband
Four Sweet Things a Wife can do for her Husband 2
Four Sweet Things a Wife can do for her Husband 3
Four Sweet Things a Wife can do for her Husband 4

No comments:

Post a Comment