Likha ni Dee Gold- Chapter 1 ng Paghihintay Ng Puso ,p.1

            Nagtago ito nang  mahabang panahon.Isinulat ko ito bago pa ako mag-18 taong gulang dahil nangarap akong mailalathala ito bago ako mag-debut ngunit nang patapos na ang kwento ay bigla ko itong tinigilan dahil siguro di ako handang ma-reject ng mga publishers.
             Kung noon di ko nakuhang ituloy ang kuwento ,sana ngayo'y magkaroon ako ng inspirasyong matapos ang Paghihintay ng Puso, sa pamamagitanng blog na ito.Matagal naman din itong naghintay sa mga files ko.
            

                                                         CHAPTER 1

               “ Becky, bumangon ka na.”,  utos ni Lani sa kapatid. Kanina pa niya ito ginigising pero ayaw bumangon.
               “ Ate naman, unang araw ng bakasyon at ang aga-aga pa .”, reklamo nito sabay agaw sa unan na kinuha sa kanya ni Lani.
               “ Anong Aga baka gusto mong maging Gabby?”, napangiting biro ni Lani.” Hoy, 7:00AM na!” sabay hila niya sa kapatid kaya napilitan na nitong bumangon.
                Close talaga silang magkapatid. Hindi sila tulad ng iba na dadalawa na nga lamang ay palagi pang nag-aaway.
                 Isang taon lang tanda ni Lani sa fifteen years old  na si Rebecca,AKA, Becky. Fourth year high school na ito sa pasukan at siya naman ay magiging first year college sa kursong education.
                Habang inaayos ni Becky ang higaan nila, sinimulan na ni Lani ang kanina pa niya gustong sabihin.”Pagkatapos mong mag-almusal pumunta ka sa studio ni Mang Ben at paki kuha ‘yong solo picture ko nung mag-bridesmaid ako sa kasal ni ate Ludy.”
              “ Yan pala ang dahilan kung bakit mo ako ginigising.”, napangiting tugon ni Becky.
No problem,basta ikaw ang maghuhugas ng plato buong araw,”          
               “ Deal,” natatawang tango ni Lani.Alam naman niyang hindi ito tatanggi pero siguradong may kapalit.
             Nang nakakain na sila ng almusal umalis na si Becky kaya sinimulan na niya ang paglilinis ng kanilang silid.
              Ilang sandali lang ay narinig niya ang malalakas na yabag patungo sa kanilang silid.Sigurado niyang nakabalik na si Becky pagkat kadalasan ay pasayaw-sayaw pa ito kapag pumapasok ng bahay nila.
               “ Ate, heto na ang pinakahihintay mo,” sabi nito pagpasok sabay abot sa isang brown envelope.
              “ Ikaw talaga,sana nga maganda ang kuha ko dito,salamat” aniya.

 Ituloy...

Comments

Popular Posts